Wednesday, April 7, 2010

Hush Hush

Hello World!

Narito na me at mag tatangkang gumawa ng book review. Nakita nyo naman sa profile description ko dyan sa tabi ng poging pektyur ko sa side bar na mahilig akong mag basa ng aklat. You know naman kashe kameng mga matatalino mahilig sa mga books, I know right?! LOL

Medyo natengga kasi ako sa pag babasa dahil busy ka-chat ang mga walang kwentang nilalang sa paligid ng universe na walang alam gawin kung hindi manakit ng damdamin ng taong umiibig. Sana naging abo ka nalang i heytchuuuu!!!! (May poot?!) Kaya naman ibinaling ko ang precious time ko sa pag babasa na kung saan eh may mapapala ako at mapapaligaya pa me ng beri beri nice, kesa naman ma-waste lang ang time ko na sa huli naman ay mag durugo lang pala ang puso ko ng tunay na tunay (Ayaw paawat sa emo?!).

Una 'kong na dampot ang book na may pinamagatang Hush Hush, gift ito sakin last Christmas. Hulaan nyo kanino galing ang book. Yeah, isa syang lamang lupa na mas known sa tawag na dwende? kelangan nyo pa ng clue? Sige last nalang... Sensitive sya.. LOL


Hokey simple lang ang story ng book. Kwento ko ng konti ha.

Nag simula ang story sa kalandian ni Nora Grey isang highschool student na may idiotic best friend na ang pangalan ay Vee. Like the usual Twilight-ish book, nag ka kilala si Patch (Isang fallen Angel) at si Nora (Isang brainy flirt Chick) sa isang Biology class na kung saan nag simula ang madamdaming love story ng mga potangena. Naging group mate si Nora at Patch sa isang activity na kelangan ng interaction ng mag-partner at doon nag simulang landiin ni Patch si Nora while si Nora naman eh pa Virgin. Sa kabilang banda ng School nila ay may darating na dalawang character, sina Jules tsaka Eliot ito. Sila 'yung dalawang kontrabida na kung saan mag kakaroon ng twist ang story dahil sa kagagawan nila.

Ano nga ba ang twist sa story?

Ganto nga kasi 'yun lapit ka bilis habulin mo ko.Joke! Bali sa bandang umpisa ng book may nag tatangkang kumitil ng buhay ni Nora Grey na medyo nadamay nga yung idiotic bff nya na si Vee tapos ma pag bibintangan sina Patch, Elliot at Jules sa mga susunod na tagpo ng aklat, different occasions ito ha. Pampa-confuse fuck lang ba, kaya pag kayo naman nag basa wag kayong papadala ng slightly bongga, Okay?! Habang nangyayari ang pag ge-guess ng readers kung sino ang may kagagawan ng krimen eh sakto namang ma didiskubre ni Nora na Fallen Angel si Patch kasi nga ginagamitan sya na hypnosis para ma sex nya si Nora, joke! Dito na mag le-level up ang pag lalanding tunay ni Nora habang nililigtas ni Patch ang buhay nya na syang magiging dahilan ng pag gro-grow muli ng Wings ni Patch dahil sa kanyang pureheart para iligtas si Nora sa tiyak na danger, obcors may wings (in tagalog slang pek -pek) dapat talaga ang Angels.

Ito ang catch, si Patch kaya' sya naging fallen angel kasi na inlove sya dati sa isang human. Wtf!!!! So Cheesy highschool shit! Hindi ko na pala kaya ang gan'tong klaseng babasahin pero ok lang naman hindi ko ma ikakailang nag enjoy ako kasi 2 days ko lang din syang nabasa. LOL

So ang totoong review ko ay (Yung kanina fake lang 'yun)...

Wag nyo nang basahin kasi na kakatamad pero kung mahilig ka sa twight-ish-kinda-a -thing na babasahin baka ma enjoy mo ang book, but not so much for me. infairness sa Author maraming namang part na nakakatawa sabi ko habang nag babasa hihihihi. Kaso lang nahirapan me ng slight kasi English.


Yun lang mga tropapits! hanggang sa muli!

Bow!

20 comments:

  1. malamng sa alamang hindi ko mabubuklat ang book kung itoy makapal hehehe...

    ReplyDelete
  2. at base pla ako hehehe...

    ReplyDelete
  3. @Jag

    Pre medyo makapal nga pero nakakaaliw naman buklatin. Congrats base ka nga!

    ReplyDelete
  4. Haha. ito ata ung parang pinagcclash ng national bookstore e.
    Twilight vs Hush Hush.
    Kaya halika, magbasa na lang tayo ng Precious Hearts! Hahahha

    ReplyDelete
  5. hehehe precious hearts?manonood nalang ako hahaha..

    aun pala ang kwento ng hush hush,,may book bang boom boom ang title? hehehe pwede ding jep jep or glen glen hahaha wula lng,,natuwa lang ako kasi nuulit ulit.. aun

    ReplyDelete
  6. @Rico

    Ako din natuwa sa comment mo sabi ko nyahihihihihi

    ReplyDelete
  7. haha... akala ko yung kanta. akala ko may recording ka nanaman pareng jepoy. hehe.

    ReplyDelete
  8. haha... akala ko yung kanta. akala ko may recording ka nanaman pareng jepoy. hehe.

    ReplyDelete
  9. @Mr nightcrawler

    Hindi pa kasi na papanahon ng recording Sir, pinapahinga ko pa ang aking malamig ng voice. LOL

    ReplyDelete
  10. fuch authors who are writing because of this twilight madness...che!

    alam ko yung soundtrack kung magiging movie to jep..

    hush hush by pussycat dolls..

    korni? pohtah mo. ha ha ha

    ReplyDelete
  11. Nakakainis basahin ang review na ito hindi sya makakatulong sa buhay pag-ibig at seksuwal.

    Bwahaha!

    Next mong ireview yung 100 Years of Solitude bilis na!!!

    ReplyDelete
  12. hahaha.
    wala na bang hatak sayo?
    nagkakaedad na kase..
    sumasakit na ang kasukasuhan..lols

    ReplyDelete
  13. parang mas maganda dito ang story ni henny penny...

    di ba drake?

    ReplyDelete
  14. @Maldito

    Pussycat dolls nyemas! Super landi mong potacles ka! LOL

    @Glentot

    Una sa lahat pinag hahandaan ng brain cells ko book na ito... TSE!

    ReplyDelete
  15. @Kosa

    Hindi nag kakaedad I'm just so moved on in those teenage book na kosa boi doon naman tayo sa mga Sophie Kinsela bwahahhaha

    @Chingoy

    Who the hell is henny what?! I don't know that crap (Galit na galit?)

    Drake who? LOL

    ReplyDelete
  16. parang nacurious ako sa book ah. kaso wala akong pambili. manghihiram na lang ako. hakhak. kapag naeenjoy ko ang libro inaabot lang ako ng isang araw. parang yung the lovely bones, ginawa ko lang isang upuan. adik much? hakhak!

    HUSH HUSH parang Pussycatdolls lang!

    ReplyDelete
  17. gnyang mga libro pla nag trip u ah! mlantong k! hehhe..aq ayokong nagbbsa ng mga english kc naantok aq! (alm q hnd u tinatanung, e gus2 q sbhn bkt ba!)heheh..

    xge basa lng ng basa at i summary u lng d2 s blog u! ahaha

    ReplyDelete
  18. phiramin mo aman ako ng mga books mo para maaliw ako ngayong bakasyon. hehe.

    ReplyDelete
  19. @eloiski

    Pusycat dolls talaga?! ahahaha Dahil na curious ka pahiraman kita you want? ahaha

    @Kayedee

    Malantong talaga?! Hindi kaya ma malantong...

    @Dyounker

    Sure sure kaw pa!

    ReplyDelete
  20. Hmmmmm...naalala ko tuloy un pinanood ko sa TV na ang Title Fallen about sa mga Fallen Angels din un..

    ReplyDelete