Monday, August 23, 2010

Sunday...

Frustration ko ang sumayaw.

Kaya naman nung nabalitaan kong totoo ang chismis na mag kakaroon ng Step up 3 in 3d eh, na excite ako ng konti. Lalo pa't nag lagay sila ng trailer doon sa malaking LCD sa labas ng Cinema sa MOA. Sa tuwing napapadaan nga ako eh, parang iniengganyo ako lalong manood. Gusto ko rin ang Official Sound track ng movie, "Club Can't Handle me".Watch it. makikita rin ang ilang movie clips dito sa music video.



Sa katotohanan, pinapatugtug ko sya sa bahay pag ako lang mag isa tapos sumasayaw me. I know, nakaka kilabot, naiimagine nyo ba si Hagrid na Sumasayaw? parang ganun, Yuck!

Dapat nga papanoorin ko ito ng weekdays para hindi ako makipagsiksikan sa mga tao sa Mall ng weekend, kasi po ayoko ng sobrang matao at siksikan na lugar, nahihilo kasi me (Arte lang) So 'yun nga, tama nga hinala ko ang haba ng pila sa Ticketing palang at pati sa mismong Cinema, 'nampota talaga! Buti nalang maagap me at nakakuha ako ng maayos na pwesto kung saan malamig at saktong sakto steady pulso lang ako habang nginangabngab ko ang Subway Sandwich para healthy at isang large Coke. Correction COKE ZERO. Ahahahha

Tungkol sa movie.

Syempre as expected puro sayawan 'ito, duhr! Some street dancing moves ay na showcase sa palabas tapos in 3d pa, asteg right?! At pinaka na gustuhan ko sa dancing moves nila eh, yung practice na street fight dance tapos hindi sila nag kakatamaan nung partner nya, that was really dope man! (dumudope?!) Maganda rin ang moral lesson. Oo, tumitingin din ako sa moral lesson ng palabas sa maniwala ka't sa hindi, Buset!

So ganto nga ang moral lesson, it was about reaching your dreams without compromising what you really love doing, for example, you wanna be a doctor tapos you wanna pursue painting at the same time. Mensahe ng movie was, you can do both at the same time and excel on two differen fields like be a dancer and be a a good and respected doctor as well. Na realize ko may point ang mensahe ng palabas. Sometimes, preoccupied tayong gawin masyado ang mga bagay na dapat nating gawin and we neglect to focus on what we love doing. Good thing, tayong mga bloggers we do have an outlet para mapakita ang munti nating talento sa pag susulat ahahahah. But thing is, it really isn't too late to do stuff you really love doing. In may case gusto kong gumawa ng palayok na gawa sa clay. Joke!

Pag tapos kong manood sabi ko uwi muna ko mamya na ko mag aaya ng inuman. Pag akyat ko sa parking sa 4th floor pa ito. Putangina! flat ang isang gulong ng bebe ko. WTF!!!!! Check ko 'yung tool box sa compartment. Pag sinuswerte ka nga naman. Iniwan ko pala sa bahay last time nilinisan ko sya. Putanginaaaa!! Na bwisit me. Nag sindi muna ko ng yosi at nag isip kung irunning flat ko ba sya hanggang sa gas station, kaso baka masira ung mags puta talaga! Nakatitig ako sa gulong habang nag yoyosi at nag iisip. May- maya may nag park sa tabi ko. Kulay pulang Vios. Pag baba nung driver. Chicks ito. Dyahe me much...

"Do you need tools?"

"Apparently yes..." (napalaban ako ng konting englishing)

"I got some here, wait I'll help.."

"You sure? Sige hintayin na kita maaga pa naman ako"

"Appreciate it.. Jepoy by the way. You actually are my Angel ahaha" *Pinapawisan ako kasi hindi pa ako nag papalit ng tire mag isa, Putakels!

"You see you know my name. I'm Angel. Nice to meet you Jepoy. Pwede ba humingi ng yosi, if you don't mind?"

"Sus, Oo naman here.."

Nag sindi sya ng yosi tapos na upo sa tabi ko. Shet ang bango!!!! Sex na to. JOke!!!

"Jepoy mali ung pinag kabitan mo sa ilalim ng jack.."

WTF ...kakahiya!

...

Ayoko na palang ikwento nahiya na me. Salamat sa pag basa. Happy Monday!


32 comments:

  1. BItin!!! magwewelga ako!! ituloy mo hehehehe..

    Aktwali dinadownload ko na yang movie na yan eh.. hihihihi... dahil dyan sa review mo na excite akong panoorin...

    have a great day bossing!

    ReplyDelete
  2. maghihintay ako ng kopya niyan sir jepoy dito sa disyerto.
    love ko din ang dancing lalo na kung para kay Bro

    thanks for sharing the lessons learned sa movie.

    dance dance dance

    be blessed sir!

    ReplyDelete
  3. bitin! ituloy mo na j'poy! :-D

    ReplyDelete
  4. wahhhh. astig ano na nangari? hahaha. kwento mo para mag init din kmi. haha

    ReplyDelete
  5. naku jepoy, anong kasunod? ano ano, bitin naman. nagamit mo na ang sex na 'to! sana nagtagumpay ka. baka naman kung saan saan ka nakatingin kaya mali pagkakajack mo? o iba gusto mong ijackin.

    ReplyDelete
  6. Yun o! Pumipick-up sa parking lot! So feisty, i lovetttttt! :) Iba talaga ang alindog mo Jepoy! Hehe! Ako din frustrated dancer. Ang laki ng mirror ko dito sa house as in buong wall kaya masarap magsayaw mag isa. Para ka lang nasa dance studio. Gusto mo dito ka magsayaw! LOL!

    ReplyDelete
  7. natuloy?!?!? kuwento na bilisss...
    (oooops, demanding.... :D)

    ReplyDelete
  8. Nainggit ako. Shet. Loser dito sa min. Di pa showing yung Step Up. Ayoko naman iDL at sine quality pa yun. Haha. Parang ako din nahiya sa nangyari sayo. Good Day. :)

    ReplyDelete
  9. after kong basahen this, nalimutan ko ang about sa 3d dahil kinilig ako sa story mo! wah

    ReplyDelete
  10. wow. another love prospect :D

    sayang at walang kwento about dun.

    ReplyDelete
  11. @Poldo

    Bitin ba? Parang di naman.

    Mas maganda sa big screen mapapasayaw ka. hihihi

    Have a greate day to Polding...

    @Pong

    Sige sir, hintayin mo at panoorin sulit naman ang pag hihintay mo dyan im sure.

    @ MarcoPaolo

    Koya wala naman akong ikwekwento masyado, kung madumi ang isip mo well walang ganun.. LOL

    ReplyDelete
  12. @Kikilabotz

    Hala, walang pag iinit na kaganapan dahil walang ganun ganun. Sus! Bastush mo po. Ahahaha

    @Super Belentong

    HIndi bitin. At nagamit ko nga ang famous line mo na, "Sex na 'to" at unluckily, hindi ako nag tagumpay katulad mo epic fail din ahahaha. Gusto ko lang syang ijackin ahahaha bastosh mo balamo murit ya! LOL

    @Kai

    Iba talaga alindog ko makolesterol ahahaha. Hindi nga ko marunung mag sayaw. Sayawan mo nalang ako, please hihihihi.

    ReplyDelete
  13. @Taribong

    Oi sir first time ka po dito, thanks ha. Wala akong ikwentong gusto mong marining. Alam na alam ko ang gusto mong marinig ahahaha

    @YOw

    Baket nasang lupalop ka ba ng mother earth?!

    @Tong

    Susme, baket ka naman kinilig, wala naman kakiligkilig eh. Kaw ah. ahhahaa

    @Khantotantra

    Love prospect? Uhhmm hindi rin sir, naka chikahan lang sandali. Walang kwento talaga sir promise hayaan mo pag meron mag kikiss and tell ako ahahaha

    ReplyDelete
  14. palabas na pala step up 3d.

    Yung una lang naman napanuod ko. pero gusto ko din yung kanta na yun ni Flo Rida at David Guetta.

    Buti meron pa palang mga mabubuting nilalang dito na tumutulong sa nangangailangan.

    ReplyDelete
  15. yes may ganung moment! ikaw na nag malakas ang sex appeal! ♥

    ReplyDelete
  16. im sure carnaper un.ahaha..kwento mo na kasi ang bembangan jepoy..lols..

    hindi ako nakakarelate sa pagchange ng tires ng car..

    pero yung sa step up...oo...tama ang moral of the story...makes me think to pursue dancing again...

    ehehe...

    ReplyDelete
  17. @Gillboard

    Cool ng music nila noh? Angas!

    Oo marami parang mabubuti ang puso talaga, tignan mo ko isang example tsaka si Angel yung chick na tumulong sakin :-D

    @Chyng

    Oo may ganung moment talaga, pero hindi malakas ang sex appeal ko malakas lang ang pabango ko. nakkasuya kaya ako, pag nakita mo ko mapapahingi ka ng desert kasi maususya ka sa kolesterol hohohohohoho

    ReplyDelete
  18. Hay naku gumawa ka na lang ng palayok na clay. Sana sumama na lang me nung Sunday nagkita ba naman kami ni Rose at tinapakan nya ang tsinelas me nasira tuloy as in nakakahiya talaga ako sa labas ng Megamall.

    ReplyDelete
  19. that song's really cool! david guetta is on a roll :)

    ReplyDelete
  20. onga. ituloy mo ung kwento! hahaha
    anyare?

    ReplyDelete
  21. Natuwa din ako sa movie. May super promdi moment lang nung umiiwas ako sa lumilipad na pulbo at sa talsik nung water sa chinese ekek. haha

    ibooking na si angel! goooo!!

    ReplyDelete
  22. Nakakatuwa naman ang kwento mo parekoy. Gusto ko rin sana panoorin kaso tinamad din ako.

    Pero dahil sa maganda mong review papanuurin ko.

    Sino kaya si Angel? hehehe!

    ReplyDelete
  23. @Glentot

    Ang liit liit na nga ni rosemarie nakuha pa nyang mapigtas ang slippers mo?! Atleast pa uwi na kayo nung napigtas ang tsinelas you. LOL

    @Soltero

    I know kuya, asteg talaga!

    @Oliver

    Animala manyak! Walang nangyari kundi isang maikling small talk at kabutihan ng puso ng pag tulong. SUs! Libog mo! ahahhaa

    ReplyDelete
  24. @Citybuwi

    Promdi moment talaga ahahaha.

    Booking talaga?! ahahaha Go!

    @Dormboy

    Panoorin mo na kasi okay naman sya, satingin ko hindi naman masasayang ang major major effort mo.

    Si Angel ang babaeng tumulong sakin last Sunday. Gets?! LOL kaw ha! kati-kati ka rin ahahaha Salamat sa pag dalaw at pag basa. Ingats!

    ReplyDelete
  25. haha... idol! namiss kita! grabe, ang lupit mo talaga sa chiks! medyo sablay nga lang ngh kaunti sa paglalagay ng jack! haha. di bale, di rin naman ako marunong. nyahaha. saka, ok lang naman kung magsayaw tayong mga hebigats. ayaw mo nun? maipapakita mo ng personal kung papaano sumayaw si jollibee! hahaha. joke lang ha. peace tayo idol! :P

    ReplyDelete
  26. maganda nga ang movie na yan....

    btw.....

    nabitin naman ako sa kwento mo about angel.....

    ill wait sa karugtong nya....

    hahaha.....

    napadaaan lang po....

    hangang sa susunod.....

    ReplyDelete
  27. Pinakagusto kong scene yung dance competition nila sa mga intsik, yung nasira yung tubo, tapos bumaha. Astig.

    Sa tingin ko na-flat lang ang gulong mo. Period. Ibig sabihin hindi epektib ang diet mo. Bwahahahaha.

    ReplyDelete
  28. kwento mo na ng buo kuya sige na..^_^

    gusto ko ring mapanuod yung step up 3d kaso wala me pera..

    ReplyDelete
  29. @Mr Night Crawler

    Ay ganun may pang aalipusta talaga?! Thanks po sa pag dalaw

    @Passingby


    Salamat sa pag PASSING BY po, at wala na pong kwento ahahaha.

    God Bless...

    @Salbehe

    Salamat sa pag daan.

    @Superjaid

    Nakakahiya super jaid ahahaha. Sige pag napadaan ka ng MOA txt mo ko, libre kita :-D

    ReplyDelete
  30. at bakit may bitin factor pa dito. dapat tuloy tuloy lang ang kwento.
    element of surprise ba ?

    ReplyDelete
  31. ay naloka ako sa eksena sa parking lot! hahaha! hindi kaya dun mo tinuro kay angel ang mga natutunan mong dance steps dun sa movie? hehehe tapos tinuruan ka nya magpalit ng gulong hehehe

    ReplyDelete
  32. inovertake nung parking lot scene ang 3d movie ng step up.. haha.. asan na ang katuloy nun?? bitin naman!.. hehe.. :P

    ReplyDelete