Saturday, September 18, 2010

Birthday Wish...

Hindi ko alam kung may patutunguhan ang entry ko ngayon basta ang alam ko lang gusto kong mag emo. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, kaya ayokong nagbabasa ng mga makekesong novel. Na-aapektuhan ang puso't balun-balunan ko. Sinabayan pa ng mga emo shit songs na nag pla-play sa ipod ko. Ay... wala pala akong ipod WTF! Dito lang pala sa computer ko sa opis.

Mag bi-birthday na nanaman kasi ako next month kaya siguro ganto medyo ma-emo. Alam nyo noong bata palang ako at sipunin pa at wala pang bulbul sa dibdib hindi uso ang birthday celebration samin. Sayang naman kasi ang perang ipang hahanda para palamunin ang mga hampas lupa kong non-showbiz friends sa kalsada. Kaya sa t'wing birthday ko bibili lang si Mama ng paborito kong Siopao. Take note hati pa kame ng kapatid ko doon. Kawawa much?! I don't think so, kasi masaya na ako doon sa ganun. Hindi ko naranasang magkaroon ng birthday cake at Mcdonalds mascott na nag sasayaw kasi naman hello sayang naman. Hindi ko rin naranasan mag ihaw ng hotdog na may marshmallow sa ibabaw tapos itutusok mo sa katawan ng puno ng saging na naka cut into cross-wise. pero ayos lang yun, no biggie. Ang importante sakin kumpleto kame at nag mamahalan ng tunay at wagas. Puta parang telepantasya lang. Pero too 'yun.

Dahil sa munting kwento ko, meron na siguro akong license na mag birthday wish. At dahil one month pa naman bago ako mag birthday may panahon pa ang mga nag mamahal sa akin na mag save para sa aking bigday. Ito ang gusto kong regalo sa birthday ko.

1. Picture Greetings mula sa blogger friends/Officemates/Friends (Taaamaah!!!)

2. CK Boxer briefs pwede narin Jockey kung nag titipid (yung kulay green para kinky)

3. E-heads THE HEADSET (complete set ng cd's nila rakenrol \m/)

4. External HDD (wag naman sana 40GB lang obsolete na yun, choosy much?!)

5. Iphone4 (fine mahal! Malay mo lang naman mahabag best friend ko. Puta ka tablan ka naman)

6. Gummy Bears or Gummy Worms or Reese's Peanut butter cups

7. Lebron Shoes

8. Rick Riodan Red Pyramid Book

9. Sofitel buffet lunch/dinner

10. Power Hugs from Mama, Papa, Utol


Sa totoo lang kahit yung numbers 1,6 and 10 lang ang matupad im gonna be the happiest birthday boy in town...

Happy Weekend!!!

42 comments:

  1. napadaan para bumati ng advance happy birth day..

    ReplyDelete
  2. @Bosyo

    Bilis sir, thanks sa advance greeting at happy weekend sayo!

    God Bless!!!

    ReplyDelete
  3. Lebron Shoes???? at kelan ka pa nahilig sa basketball? baka ibang basketball yan jepoy..

    Sofitel buffet - oi tuloy to ha..kauspin mo na si don vicente para makapag sched.

    Jeff anu ang halaga ng picture greetings? hihihi..curious lang.

    ReplyDelete
  4. @Stibi

    wala pang isang oras ang post ko naka update ka nanaman?! Not working much??!!!

    kelangan ba mahilig lang sa basketball ang mag susuut ng lebron shoes?! Sige ikaw na ang meron ako na ang wala.

    Sofitel lunch libre nyo ko bday ko naman.

    Picture greeting, gagawa ako ng video collection tapos when I look back nakakatuwa panoorin. Parang repository ito ng blogger and friends pictures. Talagang napa explain mo ko puta ka!

    ReplyDelete
  5. kelan ba next month papa jep ha?! abah!! tumatanda ka rin pala! LOL i love you sexy body much wag ng magpapayat hehehe mga october ba eh sadyang mahilig sa gummy bears ha?! LOL mag lablayp ka na rin yan ang wish ko sayo!! hehehe ng ma emo naman minsan blog mo!! hehehehe

    ReplyDelete
  6. @Poy

    Koya may lablyf ako hindi lang kasing ingay ng lablife mo na naka double announce mula sa facebook at twitter every other minute bwahihihi

    Thanks anyweis!

    ReplyDelete
  7. dun sa wishlist mo, hmmmm... gummy bears lang ata ang afford namins.

    picture greeting nalang papadala ko.

    advance happy bday.

    ReplyDelete
  8. wag muna yung buffet na yan..pag uwi ko na lang para kasama ako sa treat mo,hihihi

    paghahandaan ko yang paghuhubad ko sa Eiffel para sa greetings mo,hihihihi

    ReplyDelete
  9. napakademanding nakakatamad tuloy maybigay!!! balak ko pa naman magregalo ng external HDD pero pic greet na lang...

    ReplyDelete
  10. haha cge sagot ko IHOP mo for 1 week pag nagpunta ka d2 bwahhahaha :P

    ReplyDelete
  11. At kinarir talaga ang hinihinging pic greeting. Marami ka na naman siguro niyan, di na lang ako gagawa. hehehe

    :P

    ReplyDelete
  12. hhhmmm...hirap pumili.pero sige sa 6 ako!!!!wohoo...hahaha!sa bday mo i wish u gud health, tsk lablayp!hahaha..

    ReplyDelete
  13. may kulang pa sa sinabi mo papa jep! sa blog LOL hehehe

    ReplyDelete
  14. iPhone4 lang ba? Pfttt. Panis. Ilan gusto mo?

    ReplyDelete
  15. Ok sana yung lebron23 na shoes bibilhan sana kita kaso ang panget na yung pinaka latest design tsaka di na 23 yung jersey nya baka di mo magustuhan yun, kaya picture greeting nalang yung binigay ko hihihi...

    im sure mabibili mo rin someday.

    ReplyDelete
  16. awww... emo much? cge, para sumaya ka idol, ipapadala ko sayo sa birthday mo ang gusto mo. isang malaking SIOPAO! haha. saang address ko ipapadala?

    ReplyDelete
  17. this time kuya jepoy..pangako maipapadala ko na talaga ang pic greeting ko for you unlike last year..hahahaha

    ReplyDelete
  18. ayus yang 6 mo. trip ko den yan lalo na pag naaakyat ng bundok. dami kong baon na ganyyan. hehe.

    -bulakbolerosasg

    tamad mag login

    ReplyDelete
  19. sabi nila kapag papalapit na nag berdei ganyan daw talaga
    kasi TUTWA NA ahahahah

    dun sa number 10 dyan sir jepoy bawing-bawi na dun!

    nga pala PEBA Nominee #18 tayo
    vote! vote! vote!
    isa pa
    vote! ahahah

    be blessed sir!

    ReplyDelete
  20. Ayun. May listahan talaga. Sasali ako sa 1, 6 and 10. heheheh!

    ReplyDelete
  21. advance happy birthday! ^_^

    kiss 'yaw mo? LOL

    ReplyDelete
  22. greetings from a stranger

    Happy Birthday!!

    ReplyDelete
  23. Heheh naimpluwensyahan ata kita sa eheads LOL

    Picgreet, nakow ayoko pa maghubad LOL

    oh guys and gals hubad daw yung picgreet LOL

    ReplyDelete
  24. maaaford ko lang jepoy eh prayers...ok na ba yun?ahahahha..


    ok sige...number one afford ko yan...
    kailangan ko pa magbenta ng laman mabili lang ang potangenang gummy bears na yan..lols

    ReplyDelete
  25. pwede kiss na lang??? hahahahaha

    advance happy birthday!!!!

    o teka baka magkalimutan, mauuna birthday ko, alam mo na baka pwedeng exchange ng pic greet...hihihi

    ReplyDelete
  26. happy birthday!!!

    best wishes!

    ReplyDelete
  27. Sabi ko n nga ba may pic greetings n nmn hahaha...LOL...

    Malapit na bday! Magpapalamon k b sa mga tropang bloggers? LOL.

    ReplyDelete
  28. Happy Bday tol! Pahiram na lang ng LEbron Shoes pag me nagbigay sau... Naalala ko tuloy bday ko nung bata pa ako... msaya na ko kung me kunting handaan sa bhay ung kami kami lang ng family ko... Wish u all the best pards!

    ReplyDelete
  29. Plan ko rin bumili ng SLR this Dec. Kaso im thinking of my budget... nakakatempt ang D7000 kaso i was thinking to settle for D90.

    Good luck sana makapili ka ng best camer that suits u.

    ReplyDelete
  30. aw..wawa naman..ako kase hindi sanay ng walang party kada birthday, kaso wala naman kasamang nanay palagi!haha..joke lang sa party!

    sagot ko ang no.7..kaso, kasama din sa picture greeting..oo hanggang picture lang kaya ko!

    ReplyDelete
  31. Paano ba ipapadala yung gummy bears :D Advance happy birthday.

    ReplyDelete
  32. Advance happy birthday jeps!
    Jeps? close? LOL

    ReplyDelete
  33. awwww na touch naman ako dun sa note sa last part na kahit 1,6,10 lang, magiging masaya ka na. :)

    basta ung wish ko for you, nasa picture greeting ko na, hehe....at ung gift ko naman, syempre, ibibigay ko na lang pagpunta mo na dito....hehehe.....

    ReplyDelete
  34. @Khantotantra

    Oo picture greeting lang brad masaya na me lalo na isang katulad mong mabait na kaibigang blogger :-D Bola much?!

    @POki

    Fine, hindi na ako mag bubuffet hanggang sa pag uwi mo. Oo this time ako naman treat kasi last time nakipag habalung gahasa pa ako sayo pero ikaw parin ang tunay na nag tagumpay.

    Yung picture greeting ang tagal, I heyreeet!

    @Glentot

    Puta ka ang tagal ng picture greeting mo! Grand entrance?!

    ikaw pa naman ang numero uno kong hinihintay mag padala, nauna pa sayo si gasul at si bulakbulero mag padala!!!

    @Gillboard

    Opo koya karir ko na po ito kaya sana tablan na you. Pero kung ayaw mo talagang mag padala mapipilit po ba kita eh sino ba naman si Jepoy diba?! (pakunsensya much?!)

    ReplyDelete
  35. @2ngawski

    Dahil sa wish mo kelangan bigyan kita ng isang matamis kong halik sa pink mo cheek sa profile pix. Salamat sa photoshop...JOke!

    @Poy

    Ok po kuya.

    @Gasdude

    iphone4 YOMON YOMON MO NOMON!!!!!

    @Poldo

    Gusto ko kaya ung pinaka latest ng lebron shoes, pakealamanan ganun?!

    Salamat sa pict greet Polding ha! Ang kyot kyot mo pala para kalang stuff toy! Aylabet!

    ReplyDelete
  36. @Mr nightcrawler

    Hindi pa yan masyadong emo pre pag nag emo much ako ng bonggalore naka off ang comment ahahhaa

    @Superjaid

    Maghihintay me sana okay na ang USB mo this time...

    @Bulakbulero

    Sige bili mo ko ng number six pag dalaw ko dyan ha!

    @Pong

    Sige po sige po iboboto ko you.

    Tenchu!

    ReplyDelete
  37. @Ayie

    Sali ka na mommy pati sa power hug ha!

    @Sikoletlover

    Sige pwede narin kiss hihihi pati picture greeting narin

    @Harvey Assen

    Thanks harvey appreciate it much. Sama mo narin kaya ung pekchur greeting mo

    @Kumagcow

    Matagal ko ng gusto un sir na stir up lang nung nakita ko ung sayo. Inggit me much. Sus hindi ka mag papadala ng pict grit? Fine!

    @Maldito

    Ok sain ang prayers pati picture greeting pakibilis naman oh

    ReplyDelete
  38. @hartlesschiq

    pwedeng pwede sakin ang kiss, lalo na kung maatim mong halikan ang aking very kissable and yummy lips... Birthday mo rin ba? Di ka naman nag sasabi e...

    @Tong tong

    salamat sa greeting but picture greeting is very much appreciated also hihihi Hmp!

    @Jag

    Oo one month nga akong mangungulet diba?

    Sekrit hihihi

    @Dormboy

    WOW SLR, pangarap ko rin yan we'll see kung kaya ng budget hehe. Sana nga mag ka lebron shoes na me. Padala ka narin ng pict grit para masaya...

    ReplyDelete
  39. @greta

    Ang dami mo pang sinasabi pakiss na nga hihihihi flirty much?! Ung picture greeting sus!!!

    @Biyaheng pinoy

    Pwede mo padala sa office, pm ko sayo address gusto mo? ahahaha


    @Siletassasin

    Salamat parekoy, oo naman close naman tayo sus lalo na kung mag papadala karin ng picture greeting mo hihii

    @Weng

    Hi baby see u soon hihihi

    ReplyDelete
  40. wahahaha. ang gaminmn nagmamahal sayo pareng jeps.. hahahaha.. hntayin mo ang pic greetings ko

    ReplyDelete
  41. yung 1 at 10 kaya kong ibigay sayo. :)

    ReplyDelete
  42. @Kikilabotz

    Inaabangan ko na pict greeting mo sir!

    @GOyo

    ikaw din hinihintay ko pre hehehe

    ReplyDelete