Thursday, May 12, 2011

My Short Vacation (Silip na kung interested)

Last weekend sumama ako sa isang short get-away para makapag relaks narin ng konti. Napaka hard working ko kasi kaya dapat may bakasyon din naman kahit papaano. Since malapit langnaman ang Singapore sa States nag punta kame ng California para mag beach at mag IHOP. Juk! Napunta kame sa Bintan, Indonesia malapit lang kasi itong sa Singapore. Apat na tumbling lang at kalahating split tsaka 45 minutes ride ng ship. Ship talaga?!

Dahil wala naman akong abs walang picture na makakapag patulo laway nyo dahil balot na balot me. Nahiya ako sa ab ko.

Na relaks at nag enjoy ako sa gala na ito dahil kasama ko mga Churchmates ko kaya may halo me sa ulo buong trip.

Share ako ng konting pics para mag ka sense naman 'tong entry ko. Malay nyo hindi na ko maging humor blog maging travel blog na rin me. I guess not. Ayway highway ang unang shot ay kuha gamit ang aking telepono. Paano pa kaya kung DSLR na gamit ko noh?! Juk!

The next shot is a sunrise shot gamit ang cellfon ko. JUUUUK! maayos na camera na yan. Kinupit ko na ang mga susunod na pictures na makikita nyo. Sige makitingin ka lang. Libre lang yan.











Pero ang pinaka pamatay sa mga pictures ay ito...KumapiT you ahahhahaha

Hindi lang pacute ang picture na yan may lesson yan no. Sus! Hear no Evil..See no Evil...Speak No Evil...Yan kasi na tutunan ko sa aking pakikipagniig kay Papa Jesus.. Seriously, words are powerful so I choose to speak life... I'm trying to speak life. See no Evil hindi na me manonood ng porn at hindi na me mag sesecond look sa naka miniskirt sa mrt at naka plunging boobies sa mrt. Hear no evil, if I choose to speak life...I choose to listen to people who speak life. Gaya ni wickedmouth...

Truth is...We can't change by our own self kelangan natin si Papa Jesus. Yan ang self realization ko sa aking vacation. Yun lang powz! Alam kong hindi kayo nag enjoy sa pictures sorry naman, gusto ko lang mag update.

Dahil binasa nyo ito at tinignan ang pictures may libre kayong hug tsaka kiss *SMACK*

20 comments:

  1. Wow such a nice post keep it going!

    ReplyDelete
  2. wow pasyal mode ah! sagarin ang pagpasyal. wag masyadong workaholic heheh

    ReplyDelete
  3. Pakyu kang hindot kang bansot ka! Skip READ!

    ay speak no evil pala... Sinugin kita sa bonfire dyan makita mo!

    ReplyDelete
  4. @BINO next time pasyal mo rin si madz dyan romantic eh ahahaha Salamats sa pag daan

    ReplyDelete
  5. ANG GANDA!!! Inggit ako!!! Big time ka na talaga Jepoy! Kamusta ka na? Namiss ko magbasa ng blog mo... NGayon na lang kasi ako ulit nagblog. Anyway, ingat lagi! :)

    ReplyDelete
  6. travel blog na nga ito walang duda

    ReplyDelete
  7. pwede ka ng photoblogger at model. hhahaha

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  8. apat na tambling lang Indonesia na.Sarap.
    akala ko nasa Pinas ka na.

    ReplyDelete
  9. ang yamon yamon naman!

    heaven ang mga kuha! walang kasing ganda!

    ReplyDelete
  10. ang ganda ng sunset pics...nahiya ako sa camera ko.ahahahaha

    buti kapa nakapunta na ng indonesia...mag kwneti ka about their foods and culture..para naman malaman namin kung karapat dapat bang puntahan..ahaha..nag demand? May ari ng blog?lol

    ReplyDelete
  11. BASEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!
    hakhak!

    susyal! nakaIndonesia na si kuya! ikaw na ang lagalag! inggit me much! at ang iyong picture, medyo natunaw me ng kunti. ang hot!!!
    hakhak!

    yes! amina kiss! hakhak!

    hindi pa rin ako makapaniwala na nakabase ako!!!! gawd!!!

    ReplyDelete
  12. Miss Eloiskie bad news for you and good news. Bad news is hindi ka talaga base. Nadelete lang ng Pothangenang blogger ang lahat ng comments sayang isang libo pa naman yun. Charot! Ang good news ito ang kiss mo. Lapit mo cheeks mo.

    *SMACK*

    ReplyDelete
  13. papa jepoy.,,hey how r u na???long tym no blog ah...wow sarap buhay mo ah gala galaan...lol ok ingat plagi...na mis kita ...:)))

    ReplyDelete
  14. hehehe may lesson talaga un pic? inperness naka sleeveless ka naman, machooooooooooooo!

    ReplyDelete
  15. Wow. Bumibeach. Ang gondo! Thank you Lord wala ka ngang pictures ng ab mo. Hahaha.

    Bulag, Pipi at Bingi by Freddie Aguilar ang drama. Haha. Amen ako diyan. Hear no evil nga dapat kaya magbasa ng wickedmouth, wag out loud so that you won't hear et. Haha.

    ReplyDelete
  16. kuya jepoy pano po gumawa ng template?at san po makaka gawa? im trying to make my own blogs po eh.

    ReplyDelete
  17. ahahah! ang kuleeet!

    masarap talaga mag get away pagkasama mo si God..masarap makipagbonding sa kanya kasama ang nature na likha nya...i guess kailangan ko din ng ganyan now adays...stressed na ako..

    ReplyDelete
  18. sarap naman ng vacation mo.. with purpose magandang impluwensya sa life yan.. ako din parang gusto ko ng ganito to have a strong faith in God.

    ReplyDelete
  19. Ayway highway ang unang shot ay kuha gamit ang aking telepono. Paano pa kaya kung DSLR na gamit ko noh?! Juk! --- Jejejeje. May pinanghahawakan nga naman. :D

    Hindi ko kayang pigilan ang panonood ng porn.

    ReplyDelete
  20. nice pics! matatapos na summer dito sa pinas di pa ko nakakapag summer getaway! haroooooo.

    anyway bagong salta to po! I'm En :D

    ReplyDelete