Thursday, December 1, 2011

Vote WickedMouth on PBA

Sandali ko munang pinupunit ang pag sasadula ng mga pangyayari sa paligid ng mundong ginagalawan ko sa pamamagitan ng pagtipa at pag habi ng kwento sa kyumputer para lumikha ng obra na magsasabuhay ng mga kwentong kapokpokan ko sa internetz.

Gusto ko lang sana hingin ang suporta ng tatlong masugid na mambabasa ng blog na ito na suportahan ang kaibigan kong nag mula sa kailaliman ng lupa at naging blogger. Sya si Wickedmouth.

Nominated sya sa Philine Blog Awards para sa Kategoryang best in Drama Post. Jowk! Nominated sya sa kategoryang Humor blog- Intergalactic Level. Aliens ang mga kalaban nya! Kaya kelangan ng support ng buong human race bago pa tayo ma invade ng mga aliens. Scary much. Kaya kung kinukunsedera mong tao you edi vote na you.

Sa katotohanan tamad akong mag basa ng blogs lalo na 'yung mga just-just lang. Mga humor blogs madalas binabasa ko lalo na pag malungkot at nalulumbay me. Impak, isa ako sa nagback read ng Blog ni Wickedmouth noong nagsisimula palang me. Montik na nga ko materminate dahil sa Porn na inupload nya sa blog nya kasi tawa me ng tawa habang binabasa at pinapanood ang entry na iyon eh, 'sakto nasa likod ko pala 'yung boss kong mukang urinola. Favorite entry ko ang Barbero entry nya two years ago. See hindi me skip reader!

Impak, ang Idol kong si Badoodles ay naging Champion narin ng Philippine Blog Awards, Pati si Xg ng Chiksilog tsaka si Mani-Makina a.ka. Reigun from LonDen UKEEY na talagang lumevel up sa pagiging best in humor blog for all season 2009 edition. Sya na!

Pangarap ko rin sya noon pero dahil sa tatlo lang nagbabasa ng blog ko at puro typo at gramatical errors, phase incoherence, none logical structure writing me kaya eliminated na sa banga kagad. Ang hirap kasi mag pilit na blogger like mey. LOL

Si Glentot nalang ang mag tutuloy na pangarap kong na unshami at nilimot na ng panahon na mag champion sa PBA lalo pat palaos na ng palaos ang Pluma ni Jepoy! so pleeazzz cast your votes to the wickedmouth. Hindi ko alam kung paano, basta basahin nyo nalang sa site ng PBA LOL.

Just imagine pag nanalo si Glentot mag speech sya sa stage. ahahahhahahahahah naiimagine ko na, it's gonna be a disaster. Jowk! Inggetero?!

Marami pong salamat sa suporta! Ako po si Jepoy tabachoy nagsasabing pag makati kamutin mo hanggang dumugo...Now singning off!

*SMACK*



8 comments:

  1. Nagulat ako sa title akala ko kung ano ginagawa ni Glentot sa PBA (Philippines Basketball Association)...iba pala! haha

    ReplyDelete
  2. vote for glentot... ipromote mo na sa iyong twitter :p

    ReplyDelete
  3. hahahahah kamutin hangang dumugo.bubuto ko yan si Glentot pa.

    ReplyDelete
  4. Pano ba kasi bumoto? Tinatamad din me magbasa. Hahaha. You already Glentots.

    ReplyDelete
  5. vote vote vote for Glen!!

    ReplyDelete
  6. may voting ba thru posts? or may judges ung sa category nila?

    ReplyDelete
  7. Wickedmouth FTW! Pukinijamby yan!

    ReplyDelete
  8. Salamat Jepoy sa pangangampanya mo. Actually hindi botohan yun so useless ito, at natalo ako LOL. Lost Valdez. Pero naappreciate ko ang paggawa mo ng post na itu. Thanks!!! At sa mga nagcomment salamat rin!

    ReplyDelete