Wednesday, February 8, 2012

Pre-Valentines post ni Jepoy

Kung minsan naitatanong ko sa sarili ko, "Dito ba ang sulo kong sakdal sa ilalim ng araw?"

Kailangan ko kasing iremind ang sarili ko kung baket nga ba ko nandito sa USA, I mean Singapore (na ngangarap lang) para mag banat ng buto at kumayod ng bungga jabungga upang matubos ang mga kalabaw at sakahan na source ng pangkabuhayan showcase ng magulang ko sa probinsya. Sayang naman ang mga pato, manok, itik at porky na nabenta kung hindi ako mag tatagumpay dito sa Singapore.

Hindi ako makapaniwalang nakayanan kong mag abroad. Mahigit sa isang taon na pala ako dito sa Singafoh leh. Feeling ko kasi 3 months palang ako dito. Arte lang. Naalala ko pa 'noong ihahatid palang ako sa airport dala ang arinola, upo, patola, singkamas at Okra sa aking check-in luggage, hanggang sa pag sakay na eroplano, pagyakap ng mga loved-ones na nag sasabing ma-mimiss ka namin, Punyetah! mangiyak-ngiyak me.

Anyway hi-way, introduction lang 'yung mga naunang talata. Wala kasi akong maisip eh, ganun talaga pag nag pupumulit lang mag sulat (in english writer-writer-ran) Iisa lang ang structure, style and wit ng sulatin, wala yung mga arte-arte at phasing bull-shit. Basta dito sulat lang ng sulat sa banga.

May seatsale sa mga suking airlines at gusto kong pumunta ng Thailand para mag beach! Gusto ko ng sand and beach! Gusto ko mag relaks kahit hindi naman ako masyadong stress sa trabaho. Wala eh, gusto ko lang. Kaso busy ang mga kaibigan at fubu (parang meron) kaya wala tuloy maaya.

Malapit na pala ang Belentayms, nag order na ko ng flowers sa xpressflowers.com para ma surprise naman ang dapat ma surprise. Kalande?!

at bilang balentimes mag enumerate ako ng top 10 reasons baket kelangan ng Jowa?!

1. Malungkot ang walang sex life

2. Naniniwala ako na isa sa primary empotional need ng isang tao ay ang sense of belongingness and togetherness na hindi mo basta-basta matatagpuan sa mga kaibigan at fubu.

3. Mura ang may ka-share sa gastusin lalo na pag nasa Singapore ka. Imagine, kung ang room mo ay worth 800 SGD magiging 400SGD nalang, may libre kapang kaharutan sa gabi. hihihihi

4. Oo masarap mag isa, "Me time" ika nga. Wala kang iniisip kundi sarili mo lang. Pero wag na tayong mag paka plastic. Mas masarap ang may ka holding hands, may nasasandalan na mainit na braso at katawan sa movie house, mas masarap may kahati sa popcorn. Mas masarap may kayakap kahit walang sex, mas masarap may katitigan tapos naka smile lang ng mga 5 minutes. Umamin ka! Gusto mo yan, ganyan.

5. Mas masarap makipag away sa jowa tapos kiss and make up afterwards. Dahil pag nakipag away ka sa kaibigan as in kaibigan lang ha, walang kiss and make up. Inuman lang siguro. ganyan.

6. Shit nauububsan na ko. LOL Uhhhhmmm ano pa ba, mas masarap ng may nag lalaba ng brip mo with love and affection. Sama mo narin 'yung may nag luluto sayo at nag aalaga pag may sakit. 'yung nag txt sayo parati. eh pag wala kang jowa puro singtel ang laman ng inbox mo na may message na. "Your bill for the month is 168 SGD. Please settle your bill before Feb 25" Kundi ka mag laslas ng pulso sabay patak ng kalamansi.

7. Masarap yung putanginang mamatay ka sa kilig dahil sa mga surprises na sobrang wala kang idea. Awwww! Balentimes na talaga....

8. Masarap yung may kausap kang matino at malalim that is kung intelehente jowa mo. Minsan, hindi lang alindog ang masarap sa jowa pati ang intelehenteng conversation sa Starbucks tapos alam na susunod... LOL

9. Uhhhm nauubusan na ko talaga, Ihatechit. Masaya mag simba na may kasamang jowa, tapos makikita mo sya nag pray at praise and worship ng tunay at wagas. Priceless! (Applicable to sa mga katulad ko ng paniniwala)

10. Masarap may jowa kasi may hihingan ka ng pera pag walang-wala ka na. Isang himas lang ang katapat. CHARAUGHTS!

Ikaw ano masasabi mo? Go!

Happy Balentimes Blogger friends! Love is kind. Love is patient... *HUGS Everyone*

24 comments:

  1. 11. Masarap may Jowa kasi may kasama ka sa shower, at may maglilinis/maglilibag lagi sa likod mo. Ganyan....

    ReplyDelete
    Replies
    1. dapat malaki ang shower area nila...

      *takbooooo*

      Delete
    2. Bastusan Lyzius???!! LOL buset!

      Delete
  2. *send link to pastor neli* LOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Like! ay kala ko facebook..

      Delete
  3. Happy Valentines Jepoy!!!

    Bet na bet ko ang #8. Ang sexy lang ng mga matatalinong tao. Pwera lang yung mga thunderz na ha. Hahaha.

    Aliw naman ako sa list mo. :)

    ReplyDelete
  4. masarap talaga yung may kaakap lang kahit walang jerjer...
    sa edad ko na to, natuyo na ata ang lust sa katawan ko...
    kaya kontento na ako sa mga harutan lang tas tulog na...

    hihihihihihi...

    phuket na yan! phuket!

    ReplyDelete
  5. Tama! Masarap ang feeling ng single dahil sa "me time" na yan pero iba pa rin talaga ang feeling ng double! Ang seryus?

    ReplyDelete
  6. masarap ang may inaaway bago ang seks seksan!! hihihihi

    ReplyDelete
  7. may reason din naman kung bakit masarap ang single hahaha :D

    ReplyDelete
  8. masarap may inaasar tapos aamuin pagkatapos. ahihihi

    ReplyDelete
  9. dahil masarap ang break up and make up sex, not necessarily in that order

    ReplyDelete
  10. konti na lang at hindi na talaga ako mag papaka single.

    ReplyDelete
  11. natatawa ako sa post na toh. pramis. kyut post impeyrnes. haha!

    ReplyDelete
  12. masarap rin maging single kasi pwede mo tikman o harotin ang kahit sino ng hindi nakokonsensya..hahaha

    ReplyDelete
  13. sa wakas napadpad ulit ako dito. =D

    masarap ngang maging single pero nung nabasa ko to, namiss ko nanaman ang may jowa asar! nakamiss yung pagkagising mo sa umaga text nya una mong mababasa. haaay

    ReplyDelete
  14. che of my sweet nothings.

    happy valentines! isa pa- may taga sundo ka sa hapon lalo pag mad mood araw mo, isang kiss lang masaya na araw mo!

    ReplyDelete
  15. Maarte 2012 ka kasi LOL!!!

    ReplyDelete
  16. syempre na-ipost ko sa status ko ang number 4. hehehehe

    ReplyDelete
  17. Happy Valentine! I'm sure matatagpuan mo din ang one true love mo soon! :-)

    BTW, you might want (or your friends in SIngapore, I'm sure madami kang friends dito) to take part in a Photography Workshop by Jim Paredes in Singapore. :-) Details may be found here: http://oneblissfulnomad.blogspot.com/2012/02/photography-workshop-by-jim-paredes-in.html

    Instant EB na din yun! :D

    ReplyDelete
  18. Sayang bakit closed na ang ordering of flowers online for Feb 14 ng xpressflower.com.Magandang idea sana ito sa mga taong nasa dulo ng walang hangan.

    ReplyDelete
  19. hindi pa po ako masyadong makarelate dahil kabataan pa lang ako. napadaan po :)

    ReplyDelete
  20. masarap yung isave yung mga iloveus at kung ano pang kabastusan na sms sa phone galing sa iyong love one...ahahhaa.
    akala ko tuloy tuloy na yung fubu sa lahat ng na enumerate mo..sayang..ilang beses lang pala na mention..ahhahaa..

    ReplyDelete
  21. "Mura ang may ka-share sa gastusin lalo na pag nasa Singapore ka. Imagine, kung ang room mo ay worth 800 SGD magiging 400SGD nalang, may libre kapang kaharutan sa gabi. hihihihi"

    patok! ahahaha

    ReplyDelete